Enrile, Revilla, Estrada dawit sa affidavit ni Napoles
MANILA, Philippines — Hitik sa detalye ang naging testimonya ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima ngayong Martes.
Sa isang pulong balitaan sinabi ni De Lima na ilan sa mga pangalang idinawit ni Napoles ay respondent na rin sa kasong plunder ng Department of Justice.
"There are more details, more information from Mrs. Napoles. ... But not everything. Mrs. Napoles appears to know these things. But I cannot share with you the details," wika ni De Lima.
Kaugnay na balita: Napoles, state witness?
Kinumpirma pa ng kalihim na kabilang din ang tatlong senador na sina Juan Ponce Enrile, Ramon "Bong" Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada sa testimonya ni Napoles.
Naniniwala si De Lima na malakas ang sinumpaang salaysay ng negosyante ngunit sinabing kailangan pa rin nilang makausap pa si Napoles.
"There will be further sessions with her ... We need to get those additional facts and details. Ayaw naming sayangin ang pagkakataong ito."
Kaugnay na balita: De Lima binisita si Napoles sa OsMak
"To tell all on pork scam. Ayoko na may iba pa siyang kakusapin [and] no commitment to make her state witness," De Lima said.
Inabot ng limang oras ang pagpupulong ni De Lima at Napoles kaninang madaling araw sa Ospital ng Makati ilang oras bago operahan ang itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam.
Sinabi ni De Lima na hiniling siyang makausap ni Napoles bago siya operahan para matanggal ang bukol sa matris.
Kaugnay na balita: Gigi Reyes 'di mandadawit - Jinggoy
"Sabi niya she is now coming clean. She was tearful when she saw me," kwento ni De Lima sa naging pag-uusap nila ng kontorbersyal na negosyante.
- Latest