^

Bansa

Anang Palasyo Gigi Reyes pipigain ng DOJ

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinauubaya ng Malacañang sa Department of Justice (DOJ) kung paano pipigain at mapakanta sa kanyang nalalaman si Atty. Gigi Reyes kaugnay sa P10 billion pork barrel scam.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., nakasalalay sa taktika ng DOJ kung kakanta ng katotohanan o kasinungalingan si Atty. Reyes sa kanyang mga nalalaman sa anomalya.

Ayon kay Sec. Coloma, ang mahalaga ay mapagtanto ng mga akusado na mayroon silang pananagutan sa taongbayan at ilabas ang katotohanan sa pangu­ngulimbat ng pork barrel fund.

Aniya, ang nais ng gobyerno ay mabigyan ng katarungan ang sambayanan at mapanagot ang mga nagpasasa sa pera ng mamamayan.

Magugunita na dumating sa bansa si Atty. Reyes noong Sabado galing sa Estados Unidos. Siya ay dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile at kabilang sa kakasuhan ng Ombudsman ng graft at plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Samantala, nais naman ni Senator Miriam Defensor-Santiago na muling ipagpatuloy ng Senate Blue Ribbon ang pagdinig sa P10 bilyong pork barrel fund scam upang maigisa niya si Atty. Jessica “Gigi” Reyes, ang dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na kabilang sa mga nahaharap sa kasong plunder.

Isang sulat ang ipinadala ni Santiago kay Senator Teofisto Guingona III kung saan iginiit niya ang pagpapadala ng imbitasyon kay Reyes o kaya ay pagpapa-subpoena rito upang humarap sa pagdinig kahit pa nagpalabas na ng report ang komite tungkol sa isinagawang imbestigasyon.

 

COMMUNICATIONS SEC

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

GIGI REYES

HERMINIO COLOMA JR.

JUAN PONCE ENRILE

REYES

SENATE BLUE RIBBON

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with