^

Bansa

PNP pinakilos vs MERS virus

Joy Cantos at trainees Karen Ballon at Ronalyn Llobit - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakilos  na rin kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima ang lahat ng mga Regional Directors upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) corona virus  sa bansa.

Ayon kay Sr. Supt. Wilben Mayor, Spokesman ni Purisima, nag-isyu na ang pamunuan ng PNP  ng memorandum sa mga opisyal nito  sa lahat ng Regional Office upang makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) hinggil sa nasabing nakakahawang karamdaman.

Ito’y kasunod ng direktiba ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na tumulong sa DOH Task Force MERCOV sa paghahanap sa posibleng kaso ng MERS corona virus.

Partikular na pinatututukan  ang mga pasaherong lulan ng eroplanong galing Middle East.

Sa tala ng DOH, nasa 72 na ang sumasailalim sa medical examination sa MERS corona virus at 40 dito ang nag-negatibo na.

Kabilang sa pinamomonitor ay ang pasaherong naging lulan ng Etihad Airlines noong Abril 15 kung saan ilang mga Pinoy ang kabilang dito  at inalam na rin ang tirahan ng mga ito kaugnay ng posibilidad na nahawa ang mga ito ng nasabing karamdaman.

Binigyang diin ni Mayor sa oras na may manonitor ang PNP na posibleng nagtataglay ng naturang karamdaman ay dapat ipagbigay alam agad sa DOH at ng hindi na kumalat pa ang peligrosong sakit.

Maari ring tumulong ang PNP  para madala sa pagamutan ang mga hinihinalang tinamaan ng MERS corona virus pero dapat sundin ang kaukulang pag-iingat para hindi mahawa.

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DEPARTMENT OF HEALTH

ETIHAD AIRLINES

MIDDLE EAST

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL DIRECTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with