Mayor itinumba sa flag ceremony…
MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng Malacañang ang ginaÂwang pagpaslang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Mayor ng Gonzaga, Cagayan habang isinasagawa ang flag raising ceremony kahapon ng umaga sa harap ng munisipyo ng nasabing bayan.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., inatasan na ng Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng law enforcement agency sa bansa para tugisin at arestuhin ang mga salarin ni Mayor Carlito Pentecostes Jr., 53, ng Gonzaga, Cagayan.
“Sinisiyasat na ‘yan, at kinakailangang mahanapan ng agarang solusyon dahil hindi dapat mangyari na isang lingkod-bayan pa ang magiging target o biktima ng karahasan. Binibigyan ‘yan ng prayoridad ng ating Pambansang Kapulisan,†wika pa ni Sec. Coloma.
Pinaslang ang alkalde sa kalagitnaan ng flag raising sa harap ng munisipyo ng bayan ng Gonzaga, Cagayan ganap na alas-8:00 ng umaga kahapon.
Nagtamo ng 10 tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang alkalde nang ratratin ng mga suspek.
Sinabi ng ilang testigo na narinig pa umano nila ang isa sa mga suspek na sumigaw ng “Si Mayor lamang ang aming papatayin†habang pinapadapa naman ang mga nagkaÂkagulong kawani ng lokal na pamahalaan.
Nabatid na si Pentecostes ay nasa ikalawang termino ng kanyang paÂnunungkulan bilang alkalde sa bayan ng Gonzaga.
Sinabi ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Miguel Laurel, na tinatayang nasa 20 katao ang mga salarin na namahagi pa ng mga flyers kung saan ay galit sila sa nagaganap na black sand mining operation sa nasabing lugar.
Ayon naman kay Major Emmanuel Garcia, Commander ng 1st Civil Relations Group ng AFP Northern Luzon Command, ang mga rebelde na lulan ng dalawang van ay nakasuot ng uniporme ng pulis at militar kaya’t hindi inakala ng mga empleyado ng munisipyo na mga rebeldeng NPA ang mga ito.
Sinabi ni Garcia, diÂnisarmahan ng mga rebelde ang tatlong pulis na nagtra-trapiko sa lugar at puwersahang kinuha ang kanilang mobile cars na ginamit na get away vehicle sa kanilang pagtakas.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng ‘hot pursuit operation’ ang tropa ng Army’s 502nd Infantry Brigade, PNP at CAFGU laban sa mga rebelde na responsable sa insidente.
- Latest