^

Bansa

Vhong nagtataka sa arrest warrant vs Lee, Cornejo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilabas ng korte ngayong Lunes ang arrest warrant para sa kasong serious illegal detention laban sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo, ngunit  para lamang sa limang tao lamang.

Sinabi ng abogado ni TV host Vhong Navarro na ikinagulat nila kung bakit limang arrest warrants lamang ang inilabas ni Judge Paz Esperansa Cortez ng Taguig Regional Trial Court Branch 271.

“We are still trying to find out why only five arrest warrants were issued. Even the clerk of court would not comment. What we are getting are all second-hand information,” wika ni Mallonga na nasa labas ng bansa ngayon.

Kaugnay na balita: Walang piyansa: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na

Bukod kina Lee at Cornejo, pinaaaresto ng korte sina Simeon Palma Raz, Ferdinand Guerrero at Sajed Fernandez Abuhijleh alyas “Jed Fernandez.”

Wala ang mga pangalan nina Bernice Lee at Jose Paolo Gregorio Calma sa mga pinaaresto.

Walang piyansa ang kasong serious illegal detention.

Sinabi pa ni Mallonga na maglalabas sila ng pahayag kapag nakakuha na sila ng paliwanag kung bakit lima lamang ang pinaaaresto.

vuukle comment

BERNICE LEE

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

FERDINAND GUERRERO

JED FERNANDEZ

JOSE PAOLO GREGORIO CALMA

JUDGE PAZ ESPERANSA CORTEZ

MALLONGA

SAJED FERNANDEZ ABUHIJLEH

SIMEON PALMA RAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with