^

Bansa

Magulang pinag-iingat sa lead ngayong summer

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng isang environmental watchdog ang mga magulang na mag-ingat sa pagkuha ng mga hindi nakakalasong materyales para sa mga bata na dadalo sa summer art classes at workshops para linangin ang kanilang kakayahan.

Aksyon ito ng Eco­Waste Coalition matapos na magsagawa ng tatlong beses na proseso upang madetermina kung ang water color sets na ibini­benta sa isang lugar ay sumusunod sa regulatory policy hinggil sa lead, isang toxic chemical na maaring makasira sa utak ng mga bata.

Ang paggamit ng lead sa paggawa ng mga school supplies ay ipinagbabawal sa ilalim ng Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources last December 2013.

Una ay bumili ang grupo ng 22 samples ng water color mula sa tatlong lehitimong tindahan ng school supply sa Makati, Manila at Quezon City; pangalawa ay sinuri ang samples para sa toxic metals gamit ang isang portable X-Ray Fluo­rescence (XRF) device; at pangatlo, ipinadala ang ilang samples na na-detect na positibong may lead sa isang pribadong laboratoryo para sa confirmatory analysis.

Sa XRF screening, ang limang samples na water colors na gawa sa lugar ay napatunayang naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng lead, partikular ang yellow­ cake o lump. Ang tatlo sa limang samples ay dinala sa laboratory para sa analysis. Ang iba pang 17 samples ay walang nakitang lebel ng lead.

Sa laboratory ana­lysis ng SGS (isang globa­l testing company) sa pamamagitan ng coupled plasma-atomic emission spectroscopy (ICP-AES/AAS) ay nakumpirma na ang mga samples ay may kabuuang lead content na 5,900 parts per million (ppm), 17,000 ppm at 37,000 ppm sa kani-kanilang­ yellow cake.

 

vuukle comment

CHEMICAL CONTROL ORDER

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LEAD

LEAD AND LEAD COMPOUNDS

QUEZON CITY

SAMPLES

SHY

WASTE COALITION

X-RAY FLUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with