Police colonel, 4 na oras pa lang sa puwesto sinibak agad!
MANILA, Philippines - Apat na oras matapos na italaga sa puwesto, sinibak ang bagong hepe ng Bulacan Provincial Police Office.
Sinabi ng isang police official na tumangging magpabanggit ng pangalan, kung gaano kabilis ang pagtatalaga ng liderato ng PNP kay Sr. Supt. Bartolome Bustamante bilang Provincial Police Director ng lalawigan ay ganito rin kabilis na pinawalang bisa ang appointment order nito.
Ayon sa opisyal, si Bartolome ay naupo bilang PD ng Bulacan sa loob lamang ng apat na oras mula alas-2 ng hapon noong nakalipas na linggo at nasibak dakong alas-6 ng gabi.
“There are some procedures that were overlooked, that’s why his appointment was nullified,†paliwanag naman ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, hepe ng PNP Public Information Office .
Agad ring pinabalik sa Camp Crame si Orduna kung saan ito ang tumatayong hepe ng Anti-Fraud and Commercial Division ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
Pinabulaanan naman ni Sindac ang mga espekulasÂyon na mayroong opisyal na nais agawin ang puwesto ni Bustamante at muling ibinalik ang posisyon kay Sr. Supt. Joel Orduna.
Sabi ni Sindac, may kinalaman sa administraÂtibo at proseso na hindi umano nasunod kaya inalis sa puwesto si Bustamante.
Aminado naman ang opisyal na masyadong napabilis ang paghirang at pagpuwesto ni Bustamante kung saan may mga dapat na sunding panuntunan.
Base umano sa protocol, kapag tinanggal sa puwesto ang isang opisyal tulad ni Orduna, isa sa mga opisyal ng Bulacan o Central Luzon Regional Police Office ang tatayo bilang acting Provincial Police Director.
- Latest