^

Bansa

Entry sa Palanca puwede na sa online

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ika-64 nitong pagta­tanghal, ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards), ang pinaka-premyado at pinakamatagal na pampanitikang tim­palak sa Pilipinas, ay muling tumatanggap ng mga lahok para sa taunan nitong paligsahan.

Ngayong taon, pinaghusay ng Palanca Awards ang kanilang submission system upang mapadali ang pagpapasa ng mga lahok, lalo para sa mga naghahangad na maging pampanitikang manlilikha at mga propesyunal na manunulat na nagnanais sumali sa paligsahan ngunit nakabase sa mga probinsya o sa ibang bansa. Ang mga kalahok ay hindi na kinakailangang magpasa ng hard co­pies ng kanilang mga isinulat upang makatipid sa gastos sa printing at courier service.

Ang online submission para sa ika-64 na Palanca Awards ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng kanilang opis­yal na website, www.palan caawards.com.ph, kung saan maida-download ang mga contest documents.

Ang mga nasulatang forms at mga lahok ay maa­aring i-upload at ipasa sa website. Upang kumpletuhin ang pamamaraan ng pagpa­pasa ng lahok, ang mga con­test documents ay dapat na ipa-notaryo at ipadala sa alinmang mga address: (1) Unit 603, 6th Floor Park Trade Centre Bldg., 1716 Investment Drive Madrigal Business Park, Ayala Alabang, Mun­tinlupa City; o (2) Unit 3G, OPL Bldg., 100 C. Palanca St., Legaspi Village, Makati City.

AYALA ALABANG

CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS

DRIVE MADRIGAL BUSINESS PARK

FLOOR PARK TRADE CENTRE BLDG

LEGASPI VILLAGE

MAKATI CITY

PALANCA AWARDS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with