Misis ni Ping nabiktima ng snatcher sa Divisoria
MANILA, Philippines - Minalas na maaresto ang ilang snatcher na hinihinalang matagal nang may sindikato sa Divisoria market sa Tondo nang mabiktima ng kanilang opeÂrasyon ay ang maybahay ng rehabilitation czar na si dating Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, nitong Lunes ng hapon.
Sa follow-up operation, agad naman umanong nadakip ang suspek na kilala sa alyas na “Nognog†na madalas na ring ibinabalita at nakikita sa footages ng closed-circuit television (CCTV) sa aktong nag-iisnatch. Nabatid na ang tunay na pangalan ay Marvin Antonio ay naaresto sa Isla Puting Bato sa Binondo.
Sa reklamo, pagbaba mismo sa sasakyan ng biktimang si Alice Lacson, dakong alas- 4:00 ng hapon nitong Lunes sa panulukan ng C. Planas at CM Recto Avenue, agad na nilapitan at hinablutan ng hikaw ng suspek.
Agad inireport sa Asuncion-Police Community Precinct, ng Manila Police District Station 2.
Isa-isa ring nadampot ang mga itinurong kasabwat ng suspek hanggang sa matunton mismo ang pinagbentahan ng hikaw na nagkakahalaga umano ng P250,000.
Kabilang sa kinasuhan ng robbery-snatching si Antonio at mga tinurong pinagpasaÂhan ng hikaw na sina Benjamin Cabrera ng Parola Compound at Ronald Pallega ng Vitas, Tondo habang sinampahan ng reklamong paglabag sa anti-fencing law ang inaresto ring bumili ng hikaw na si Sherlon Eguez ng Tondo, Maynila.
Nabatid na matagal nang may sindikato o grupo ng mga snatcher sa Divisoria at may tumatayo pa umanong lider ng grupo na nangangasiwa sa partehan ng pinagbentahan.
- Latest