^

Bansa

LPA humina, pero dalang ulan ‘wag balewalain - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente ng Luzon particular ang Palawan at Bicol gayundin sa Visayas at Mindanao na huwag ipagwalang bahala ang paghina ng low pressure area (LPA) na dating si bagyong  Domeng dahil maari pa ring magdulot ng pinsala ang dala nitong ulan sa nabanggit na mga lugar.

Ayon sa PAGASA, banta pa rin ang landslide sa nabanggit na mga lugar dahil may ilang araw na nababad sa tubig ulan ang mga lupa doon dulot ng mga pag-uulan na dala ng LPA nitong nakaraang araw.

Nitong nakalipas na mga araw, dumanas ng mga pag-ulan ang Bicol, Palawan,Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng LPA.

Kahapon ng umaga, ang LPA ay huling namataan sa silangan ng Surigao City matapos itong bahagyang bumaba mula sa da­ting eastern Visayas.

Si Domeng ay humina at naging LPA makaraang lumapit sa kalupaan sa bansa.

AYON

BICOL

DOMENG

MINDANAO

PALAWAN

SI DOMENG

SURIGAO CITY

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with