Pampaputi na may mercury kalat pa rin
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa Senado ang ulat na nagkalat pa rin sa merkado ang mga pampaputi na mayroong nakalalasong mercury sa kabila ng babala ng Bureau of Food and Drugs laban dito.
Sa Senate Resolution 555 na inihain ni Santiago, sinabi nito na marami pa ring nakakalat na mga skin whitening products na ibinebenta hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang panig ng bansa na nagtataglay ng kemikal na delikado sa kalusugan.
Marami na aniyang mga pampaputing produkto ang ipinagbabawal ng BFD pero may mga nakakalusot pa rin at tinatangkilik ng publiko na nangangarap magkaroon ng maputing balat.
Kabilang sa mga nai-ban ang whitening cosmetic products na nagtataglay ng mercury na lampas sa “maximum allowed limit†na 1 part per million (ppm).
Ayon pa sa resolusyon ni Santiago, kalimitang ipinagbibili online ang mga nasabing whitening products.
Idinagdag ni Santiago na dapat magkaroon ng batas na magpapataw na mas mataas na parusa at magkaroon ng mahigpit na guidelines laban sa mga delikadong skin products.
- Latest