^

Bansa

Presyo ng asukal tumaas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalmahan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang balitang tumaas ang presyo ng asukal sa ilang pamilihan sa bansa.

Ayon kay SRA administrator Ma. Regina Martin, walang dahilan para magkaroon ng pagtaas sa halaga ng asukal dahil sapat ang suplay nito sa bansa. Anya nananatiling mula P39 hanggang 46 ang kilo ng white at brown sugar sa bansa.

Sa katunayan anya, nag-export pa nga ang Pilipinas ng mahigit na 125,000 metric tons ng “D” sugar worldwide at dagdag na 60,000 metric tons sa Estados Unidos.

Bagamat nagkaroon ng delay ang anihan ng tubo ngayon taon kumpara noong nakaraang taon pero hindi naman ito dapat gamitin ng mga negosyante para maitaas ang halaga ng asukal.

“SRA is confident that its estimated production of 2.356 million metric tons this crop year will be achieved, if not surpassed. Thus, there is no reason for prices to go up” dagdag ni Martin.

Bunga nito, patuloy ang ginagawang monitoring sa sugar production at withdrawal ng asukal ang ahensiya gayundin sa shipments at sugar movements para pangalagaan ang interes ng publiko.

Inatasan na rin ni Martin ang mga tauhan na busisiin ang physical stocks ng asukal sa mga warehouses upang agad makagawa ng aksiyon kapag nagpatuloy ang pagtaas ng halaga ng asukal sa bansa.

ANYA

ASUKAL

AYON

BAGAMAT

BUNGA

ESTADOS UNIDOS

INALMAHAN

INATASAN

REGINA MARTIN

SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with