^

Bansa

Prosti-‘tuition’ talamak, pinasisiyasat

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumataas ang bilang ng mga estudyante na nasasadlak sa prostitusyon dahil na rin sa napakamahal na edukasyon sa bansa kaya nais ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na imbestigahan ito ng Senado.

Sa Senate Resolution 552 na inihain ni Santiago, sinabi nito na nakasaad sa Article 2, Section 11 ng Kons­titusyon na pinahaha­lagahan ng estado ang dignidad ng bawat mamamayan at ginagarantiyahan ang pagrespeto sa karapatang pantao.

Pero sa ngayon aniya ay may mga estudyante na ginagamit na ang prostitusyon para kumita ng pera at makapag-aral na tinatawag na ring “prosti-tuition”.

“Using prostitution as a means of earning money to send oneself to school, now commonly known as “prosti-tuition”, is becoming a trend,” sabi ni Santiago sa kanyang resolusyon.

Napaulat na ang “peak season” ng “prosti-tuition” ay kalimitang bago mag-enrollment o bago ang final exams ng mga estudyante.

Ginagamit na rin ani­ya ng mga nasasadlak sa “prosti-tuition” ang social media at mobile cellphones para sa “sexual solicitations”.

May mga estud­yante aniyang kumikita ng P3,000 sa loob lamang ng tatlong oras o P10,000 isang araw.

Sa news article ni Claire Padilla ng wo­men’s rights group na EnGendeRights, ipina­liwanag nito na ang “prosti-tuition” ay dapat magkaroon ng komprehensibong sagot sa problema ng mga estudyante na walang sapat na pera upang ipag-aral dahil na rin sa tumataas na halaga ng edukasyon.

Kabilang sa mga dapat aniyang isulong ng gobyerno ang ‘study now, pay later programs’ at mga  livelihood programs sa mga kababaihan para talikuran na ang “prosti-tuition”.

vuukle comment

CLAIRE PADILLA

GINAGAMIT

KABILANG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NAPAULAT

PERO

PROSTI

SA SENATE RESOLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with