^

Bansa

Pacquiao P2.56B na ang utang sa BIR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos muling kilalanin bilang WBO welterweight champion si Manny Pacquiao, kasabay nito ang pagkabuhay sa usapin tungkol sa bayaring buwis ng boksingero sa Bureau of Internal Revenue.

Sinabi ni BIR commissioner Kim Henares na lumaki pa ang bayarin ni Pacquiao sa kanilang kawanihan matapos ang kanyang laban kay Timothy Bradley kung saan may guaranteed purse siya na $20 milyon.

Nitong nakaraang taon ay hinabol ng BIR si Pacquiao dahil sa umano’y P1.1 bilyon na hindi binayarang buwis noong 2008 at 2009. Dagdag nila na lumaki ito lalo dahil sa interes.

Kaugnay na balita: Paniningil ni Henares kay Pacquiao: Trabaho lang - Palasyo

"December 2012 'yun, remember, may 2013 may 20 percent na 'yun at ngayong April, so may addition na six [to] seven percent po 'yan," paliwanag ni Henares.

Maari namang magbayad ng buwis si Pacquiao sa Estados Unidos ngunit sinabi ni Henares na mas mataas ito ng walong porsiyento kumpara sa Pilipinas na 32% lamang ang hinihingi.

"Kung gagawin niya 'yung tama, palagay ko wala ho tayong makokolekta doon kung gagawin niya 'yung tama pero kung hindi pa rin niya gagawin 'yung tama, may problema na naman ho siya,” wika ni Henares.

Kaugnay na balita: 32% sa kikitain ni Pacquiao vs Bradley inaasahan ng BIR

Pinaalalahanan din ng BIR commissioner ang boksingero na ayusin ang mga papeles kung sa Amerika magbabayad at idiretso ito sa BIR upang hindi masingil ng dalawang beses.

Bago sumabak sa ring si Pacquiao ay marami ang hindi natuwa sa pagpapaalala umano ni Henares sa mga responsibilidad ni Pacquiao sa pagbabayad ng buwis.

Pero nilinaw ni Henares na hindi niya kinukulit si Pacquiao.

Kaugnay na balita: Henares kay Pacquiao: Good luck!

"Hindi naman ho ako nagre-remind sa kanya, tinatanong lang ako [ng media]. Kung tama ang gagawin n'ya, baka wala naman siyang babayaran sa Pilipinas kasi baka mas mataas ang babayaran n'ya sa Amerika."

 

 

AMERIKA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

ESTADOS UNIDOS

HENARES

KAUGNAY

KIM HENARES

PACQUIAO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with