Akusado sa kaso ni Vhong sinubukang umalis ng Pinas
MANILA, Philippines - Tinangkang umalis ng bansa kaninang unaga nang isa sa mga akusado sa pambubugbog kay TV host Vhong Navarro nitong Enero 22.
Ayon sa ulat, pumila sa Immigration counter si Ferdinand Guerrero ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City bandang alas-4 ng madaling araw.
Hindi na tumuloy si Guerrero matapos kuwestiyunin ng immigration officer.
Kaugnay na balita: Korte ibinasura ang mosyon nina Lee, Cornejo
May nakalabas na lookout order ang Department of Justice laban sa mga nambugbog kay Navarro sa loob ng Forbeswood Heights condominium sa Taguig City.
Nahaharap sa kasong serious illegal detention si Guerrero at ang iba pa iyang kasamahan kabilang ang negosyanteng si Cedric Lee at modelong si Deniece Cornejo.
Inaasahang lalabas ang arrest warrant laban sa mga akusado sa mga susunod na araw.
Kaugnay na balita: Vhong naghayin ng counter-affidavit sa pangatlong rape case e
Walang piyansa ang naturang kaso.
- Latest