^

Bansa

Laptop sa Bar exam kinontra ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinayagan ng Korte Suprema ang paggamit ng laptop sa panahon ng Bar Examinations.

Sa en banc resolution noong April 1, 2014, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kahilingan ng isang Cora C. Amarga na pahintulutan ng Supreme Court ang paggamit ng laptop ng mga examinee.

Paliwanag ng SC, walang balido at kapani-paniwalang dahilan upang pagbigyan ang petisyon ni Amarga na naglalayong magamit ang mga laptop sa pagsagot sa mga tanong sa bar examinations.

Hinihiling sana ni Amar­ga na sa gagana­ping Bar Examinations ngayong taon ay payagan ang mga examinee na makagamit ng laptop sa pagsagot sa mga tanong sa kanilang pagsusulit.

Noong 2007 ay naghain din ng katulad na petisyon si Amarga ngunit tinanggihan ng SC.

Sa ibang bansa ay pinapayagan umano ang bar examinees na magamit ang kanilang laptop ngunit kontrolado ang mga program na maaaring mabuksan ng mga examinee.

 

vuukle comment

AMARGA

BAR EXAMINATIONS

CORA C

HINIHILING

HUKUMAN

KATAAS

KORTE SUPREMA

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with