‘Pag-ibig’ mensahe ng Palm Sunday – Tagle
MANILA, Philippines - Pag-ibig ang pinapairal ng Palm Sunday.
Ito naman ang binigyan diin ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle kung saan mas mabibigyan umano nang kabuluhan ang paggunita ng mga manaÂnampalataya ng Semana Santa sa pamamagitan nang pagtulong at pagmamahal sa kanilang kapwa.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Cardinal Tagle ang mga kababaÂyan na isabuhay ang mga aral sa naging sakripisyo ng PaÂnginoong Hesus ngayong Holy Week.
“God puts so much love into these days and no one has loved in the same way that Jesus loved. So this Holy Week will become holy if we also pour much love into it,†ani Tagle.
Makabuluhan ito dahil sa pagsisimbulo nito ng matagumpay na pagpasok ni Hesus sa bayan ng Jerusalem ilang araw bago Siya ipako sa krus. Sa araw na ito, iwinawagayway ng mga deboto ang mga palaspas tulad ng pagsalubong noon kay Hesus.
Naniniwala ang ibang deboto na may kapangyarihan itong magpagaÂling at mabisang panlaban umano ito sa masasamang espiritu.
Paalala naman ng simbahan na ang kapangyarihan ay nasa Diyos at wala sa palaspas.
Dapat rin anyang tandaan na ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus ang siyang tunay na diwa ng Semana Santa.
Matapos gamitin sa Palm Sunday, itinatago ng simbahan ang mga palaspas na siyang sinusunog para magamit ang abo nito sa susunod na Ash Wednesday.
- Latest