^

Bansa

Lookout bulletin kina Cedric, Deniece tuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na nananatiling epektibo ang kanilang lookout bulletin laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa lalo na ngayong sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ng Department of Justice, dahil sa pambubugbog sa TV host-actor na si Vhong Navarro.

Ayon sa BI, hahara­ngin pa rin ang negos­yante at mga kasamahan nito sakaling tangkain nitong lumabas ng bansa bunsod na rin ng usap-usapan na nagbalak itong magtungo sa Dubai kung saan ito na naka-book sa Cebu Pacific Flight 5J7944. 

Nakatakda sanang umanong umalis ng bansa si Lee dakong alas-4 ng hapon kahapon, pero kinansela na rin ang tiket nito.

Ang lookout bulletin ay inilabas ng DOJ noong Enero laban kina Lee, kasunod ng paghain ng kasong kriminal ni Navarro sa negosyante.

Ayon naman sa abogado ni Lee na si Atty. Howard Calleja, hindi tatakasan ng kaniyang kliyente ang kaso at nakahanda umano sina Lee at Cornejo na humarap sa korte.

Aniya, kahit na sino ay maaaring mag-book ng flight upang pasamain ang kanyang kli­yente at palabasin na tatakas ito ng bansa. Sapat ang kanilang ebidensiya kaya’t kumpiyansa silang papanig sa kanila ang  korte.

Samantala, patuloy pang pinag-aaralan ng Ta­guig Regional Trial Court ang kasong isinampa ng DoJ laban kina Cornejo, Lee at limang iba pa.

Kaugnay nito, inaasahan na rin umano ang paglabas ng arrest warrant laban sa mga akusado pagkatapos ng unang araw ng pagdinig sa Abril 15.

Una nang pinasisipot ng korte ang magka­bilang kampo matapos tuluyan nang sampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ang grupo ni Lee at Cornejo.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU PACIFIC FLIGHT

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOWARD CALLEJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with