^

Bansa

Presyuhan sa WESM sanhi ng taas singil sa kuryente

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa man tapos ang usapin sa naging dagdag singil noong Disyembre na kasalukuyang nasa Korte Suprema, may panibagong pagtataas na P0.89 per kilowatt hour (kWh) ngayon Abril at inaasahan na sisipa pa sa Mayo.

Nabatid na presyo pa rin sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ang dahilan ng mataas na singil, kaparehong dahilan noong Disyembre at Enero.

Tila wala umanong kadala-dala ang mga ito gayong napatunayan na noong Enero na may iregularidad sa naging presyuhan nito.

Dahilan kung bakit ipinag-utos  ng Energy Regulatory Commission ang muling pagkalkula sa presyuhan ng WESM sa mga apektadong buwan.

Matatandaan na mula sa P4.56 per kWh ay bumaba na lamang sa PhP 0.45 per kWh ang adjustment para sa Enero ng Meralco matapos ang isinagawang recalculation ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) sa WESM prices.

Bukod dito, maging ang iba pang customer sa ilang electric cooperative sa Luzon ay nakinabang din sa naganap na recalculation at makakatanggap nga ng soli bayad o sobrang singil.

Tila mas dapat umanong tutukan ng mga consumer ng kuryente ang WESM sa palagiang dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente.

“Sa patuloy pa rin na pagtaas ng singil sa kuryente, sa tingin ko dapat WESM na ang tunguhin ng taumbayan, ang totoong sanhi ng taas singil,” ayon kay Edwin Jalandoni Mirano, Bise Presidente ng Isabel de Hidalgo Homeowners Association. 

Tila makatwiran naman ang tinuran ni Mirano lalo pa nga at hindi lamang ang mga customer ng Meralco ang apektado ng pagtaas ng singil sa kuryente dulot ng WESM prices. Maging ang iba pang electric cooperatives sa Luzon ay nagtataasan din ang presyo dahil sa WESM.

BISE PRESIDENTE

DISYEMBRE

EDWIN JALANDONI MIRANO

ENERGY REGULATORY COMMISSION

ENERO

HIDALGO HOMEOWNERS ASSOCIATION

KORTE SUPREMA

LUZON

MERALCO

TILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with