P50K reward vs killer ng newshen
MANILA, Philippines - Nakahandang magbigay ng karagdagang P50,000 reward ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) para sa sinumang makapagtuturo sa bumaril, nakapatay at mastermind sa pagpatay sa Remate tabloid reporter sa Bacoor City, Cavite noong Abril 6.
Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, handang magbigay ang kanilang grupo ng dagdag na reward money mahuli lamang ang mga pumatay kay Rubilita “Rubie†Garcia, 52, NPC regular member, Remate Cavite correspondent at lider ng ALAM sa Cavite.
“Maliit na pera ang P50,000 pero sana’y makatutulong ito para magkalakas-loob ang mga may nalalaman sa kaso. Ayaw na naming umasa sa pangakong “Tuwid na Daan “ ni Pangulong Aquino,†wika ni Yap.
Una nang nagpalabas sina Bacoor City Mayor Strike Revilla at Cavite Gov. Jonvic Remulla ng P50,000 reward para mapabilis ang pag-aresto ng batas sa mga nasa likod ng krimen.
Sinabi ni Yap na nangangamba ang kanilang grupo na pagtakpan na naman kung sino ang totoong may kasalanan lalo pa umano at sa kaniyang ‘dying declaration†ay itinuro ni Rubilita sa kaniyang anak na lalaki na isang police colonel umano na tinukoy na si Sr. Supt. Conrado Villanueva ang nasa likod ng krimen.
Si Villanueva ay sinibak ng PNP bilang hepe ng Tanza Police upang hindi umano nito maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang kaso.
- Latest