^

Bansa

Prostitution, human trafficking laganap

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng grupong Gabriela ang paglaganap ng prostitusyon at human trafficking sa mga kababaihan sa Zamboanga partikular na sa refugee camp.

Sinabi ni Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus, hindi lamang kaawa-awa ang mga refugees na naipit sa sagupaan ng militar at MNLF-Misuari faction kundi lumaganap na rin ang prostitusyon at human trafficking sa mga kababaihan sa naturang lalawigan.

Puna ng kongresista habang abala ang gobyerno sa kasunduan sa pagitan ng MILF sa pagbuo ng Bangsamoro region ay napapabayaan ang sitwasyon ng mahigit 29 na libong pamilyang sadlak pa rin sa mga refugee camp sa Zamboanga City na hindi pa rin nakakabangon matapos ang nasabing kaguluhan.

Tinukoy ng kongresista na ang Joaquin Enriquez Sports Complex ang siyang sentro ngayon ng trafficking ng mga kababaihan at kabataan kung saan nagaganap ang transaksyon sa pamamagitan ng text messaging at doon na sa tent nangyayari ang mga pang-aabuso.

Nababahala rin ang mambabatas sa paglaganap ng sexually transmitted infections dahil sa pagpasok ng mga kababaihan sa prostitusyon.

BANGSAMORO

EMMI

GABRIELA

IBINUNYAG

JOAQUIN ENRIQUEZ SPORTS COMPLEX

MISUARI

NABABAHALA

SINABI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with