^

Bansa

PNP inalerto sa Semana Santa

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa inaasa­hang pagdagsa ng mga taong magtutungo sa mga probinsya sa paggunita sa Semana Santa, inalerto kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang mga local chief executives at PNP para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan.

Sinabi ni Roxas na mahalagang mabantayan ang mga dinarayong simbahan, plaza, malls at maging ang mga transport terminals.

Sa kaniyang direktiba sa mga gobernador, city at municipal mayors, punong barangay, hinikayat ni Roxas ang mga local executives na maghanda ng mga kaukulang security measures para maisaprayoridad ang  kaligtasan ng mga tao sa kanilang nasasakupan.

Inatasan rin ni Roxas ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ideploy ang mga barangay tanod para tumulong sa PNP sa peace and order sa kanilang mga barangay at maging sa pa­ngangasiwa ng trapiko na inaasahang magsisikip.

Bukod sa police visi­bility, mobile patrols at checkpoints operations ay paiigtingin din ang pagpapatrulya sa mga crime prone areas lalo na sa mga mandurukot at mga akyat bahay gang na nambibiktima ng mga tahanan na walang tao.

Nakahanda rin ang Bureau of Fire Protection para pigilan ang sunog at iba pang mga aksidente na maaring maganap sa panahon ng Semana Santa.

Pinayuhan din nito ang publiko na maging maingat lalo na upang makaiwas sa sunog sa pamamagitan ng pagsasara ng mga tangke ng LPG, pagtatanggal sa outlet ng mga electrical devices at pag-off sa mga power outlet bago umalis sa kanilang mga tahanan.

BUKOD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAHILAN

INATASAN

NAKAHANDA

ROXAS

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with