Fake veterans tapos na kayo - PNoy
MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni Pangulong Aquino ang mga pekeng beterano na tapos na ang maliligayang araw ng mga ito dahil hindi na nila maloloko ang gobyerno.
Sinabi ng Pangulo sa mensahe nito sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Pilar, Bataan na patuloy na nililinis ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang listahan ng lehitimong beterano upang alisin na ang mga nagpanggap na World War ll veterans para lamang makakuha ng pension at benepisyo na kaloob ng gobyerno.
Anya, obligasyon ng gobyerno na kalingain ang mga beterano bilang pagkilala sa ginawang sakripisyo ng mga ito para sa bayan noong WWll.
“Ang masaklap nga lang po, sa listahan ng ating mga pensioner ay marami ang nakisali sa listahan at nakihati sa mga handog nating benepisyo, kahit hindi naman talaga sila tunay na mga beteÂrano,†paliwanag ni PNoy.
Ayon sa Pangulo, sa pagpasok ng taong ito ay tuluyan nang naipatigil ang pagbibigay benepisÂyo sa 22,534 accounts, habang 14,616 accounts naman ang nasuspinde.
Pinalawak din ng VeÂterans Memorial Medical Center ang kanilang benepisyo para sa mga beterano, kabilang na ang mga serbisyong tulad ng cataract operation, coronary angiogram at cardiac bypass habang patuloy din ang pagbibigay ng eduÂcational benefits sa mga dependents ng beterano.
Pinuna naman ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi pa agarang naiÂpatutupad ang Republic Act No. 7696. Kinikilala sa nasabing batas ang mahalagang papel na ginampanan ng mga beterano sa digmaan at ng mga retiradong militar pero ang ilan sa kanila ay namatay nang hindi napapakinabangan ang mga benepisyo dahil sa kakulangan ng pondo mula sa gobyerno sapagkat hindi nakasaad sa batas ang pagkukunan ng pondo.
Dagdag pa ni Trillanes, ang gobyerno ay naglaan ng P170 milyon noong 2010 at P2.9 bilyon noong 2013 para sa pagbabayad ng Total Administrative Disability pension ng mga beterano noong World War II na edad 80 pataas. Pero hindi saklaw ng nasabing appropriations ang lahat ng mga beterano, at hindi rin sapat ang halaga nito upang matugunan ang kabuuang obligasyon ng pamahalaan.
Sa Senate Bill No. 166 ni Trillanes, isinusulong nito ang dagdag benepisÂyo sa mga beterano at retiradong militar gaya ng tulong pinansyal sa pagpapalibing at dagdag sa buwanang pensyon at tulong medikal sa Pinoy World War Veterans.
- Latest