Paglipat ng 4,000 MILF sa MNLF 'di totoo
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayong Miyekules ang mga haka-hakang 4,000 miyembro nila ang lumipat sa Moro National Liberation Front (MNLF).
Sinabi ni Von Al Haq ng MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na isa itong paninira sa inaasam na kapayapaan sa Mindanao.
"This is plain propaganda and handiwork of people opposed to the attainment of peace in Mindanao," wika ni Al Haq sa state news agency.
"There is no valid reason for MILF members to shift to another Moro front in Mindanao because our men are all aware of our struggle and the outcome of the peace process since they were part of it," dagdag niya.
Nagpahayag ang isang komander umano ng MNLF Selatan State Revolutionary Committee na apat na komander ng MILF ang sumali sa kanila kasundo nang pagkakalagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Ang bawat komander umano ay may tig-iisang libong tauhan.
Pinasinungalingan din ni Al Haq ang sinasabi ni Colano na tumutulong ang Malaysia sa pagbuo ng CAB upang tuluyang angkinin ang Sabah.
"There is no basis to such claim, we consider them as anti-peace and that the issue of Sabah was not part of the GPH-MILF peace process," sabi ni Al Haq.
- Latest