'Domeng' bumagal papasok ng Pinas
MANILA, Philippines - Bahagyang bumagal ang bagyong "Domeng" habang papalapit ito sa bansa, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 620 kilometro silangan ng Davao city kaninang alas-4 ng umaga.
Taglay ni Domeng ang lakas na 55 kilometers per hour, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na limang kilometro kada oras.
Tinatayang tatama sa kalupaan ng Surigao ang bagyo sa kamakalawa bago daanan ang hilaga-silangan ng Mindanao at katimugang bahagi ng Cebu at Negros.
Nagbabala ang PAGASA na maaaring direktang tamaan ni Domeng ang Southern Cebu, Bohol, Negros, at Coron.
Samanta, magiging maulap ang kalangitan sa Mindanao at Eastern Visayas na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pag-ulan na may kulog at kidlat.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang asahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
- Latest