Sa pagkapatay sa tabloid reporter… Tanza police chief sibak
MANILA, Philippines - Sibak sa puwesto ang chief of police ng Tanza, Cavite bunsod ng isinasagawang imbestigasyon sa kaso ng pagbaril at pagkakapatay sa lady reporter ng Remate na si Rubylita Garcia na naganap kamakalawa sa Bacoor City.
Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng Public Information Office ng PNP ang sinibak na hepe na si Supt. Conrado Villanueva.
“Supt. Villanueva was placed on administrative relief to ensure that he will not influence the ongoing investigationâ€, pahayag ni Sindac sa PNP Press Corps.
Pansamantala namang humalili kay Villanueva si Supt. Joseph Salom Javier bilang Officer-In- Charge (OIC) ng Tanza Police.
Nilinaw naman ni Sindac na hindi direktang suspek ang nasabing hepe sa krimen bagaman aminado na nakaaway nito at personal na nakasagutan ang biktima ilang araw bago naganap ang krimen.
Bumuo na rin ang PNP ng Special Investigation Task Group (SITG) sa pamumuno ni Cavite Police Provincial Office Director P/Sr. Supt. Joselito Esquivel upang tutukan at resolbahin ang kaso ng pagpatay kay Garcia.
Nagpalabas na rin ng cartographic sketch ang Cavite Police sa isa sa dalawang salarin.
Sinasabing may lead na ring sinusundan ang PNP sa kaso pero tumangging tukuyin ito habang patuloy pa ang dragnet operations laban sa mga salarin.
Si Garcia ay pang 20 sa mga pinaslang na media sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
‘Dying statement’ ni Garcia
Samantala, tahasang itinuro si Tanza police chief Superintendent Conrado Villanueva na may kinalaman sa pagpatay kay Garcia dahil nakapagbigay umano ng ‘dying statement’ ang reporter sa kanyang anak habang isinusugod sa hospital.
“Si Col. Conrado Villanueva ng Tanza Police ang nagpapatay sa akin!†Ito ang binitiwang pahayag ng pinaslang na reporter ng pahayagang Remate bago tuluyang binawian ng buhay ayon sa pahayag ng kanyang anak.â€
Hindi ko kilala si Ruby – Villanueva
Mariin namang itiÂnanggi ni Villanueva ang alegasyon sa kanya at nagsabing “Hindi ko alam kung bakit ako isinasangkot sa kasong yan, hindi ko naman kakilala yang si Ruby, at wala akong dahilan para ipapatay siyaâ€.
Pero inamin ni VillaÂnueva na nakaharap niya si Garcia at dalawa pa nitong kasamahang reporter noong April 3 sa opisina nito sa Tanza bandang alas-2:00 ng hapon
“Dumating sila habang nakikipag meeting ako sa mga kasapi ng isang Muslim community dito sa Tanza, mukhang nagalit siya sa akin noong mainip sila sa pag-aantay at marinig niya ang sinabi ko sa pulis ko na hindi ko siya kilala,†kwento ni ViÂllanueva.
Matapos ang meeting ni Villanueva, kinompronta umano siya ni Garcia at sinabing- “ imposibleng hindi mo ako kilala, ang tagal mo sa S3, porke ba hindi mo ako kakilala hindi mo na ako kakausapin?â€
Nang tanungin ni Villanueva si Garcia kung ano ang pakay nila sa pagdalaw sa opisina ng hepe, sumagot umano si Garcia ng “Gusto ko lang ipaalam sa iyo na may meeting ang mga media dito sa area mo at baka abutin kami ng mag-damag.â€
Sinagot umano siya ni Villanueva ng “Kailangan nyo po ba ng security? Sige po at padadalhan ko kayo ng mobile.â€
Doon na umano nag-init ang ulo ni Garcia at sinambit ang “Tandaan mo, ito na ang una at huli kong pagpunta sa iyo dito sa Tanza†bago ito tumalikod at naglakad papalabas ng opisina ni Villanueva.
“Nagtataka ako kung bakit sya nagagalit sa akin, ako naman hindi nagagalit sa kanya, hindi naman ako nakikipagtalo sa kanya, ang pinagtatalunan lang namin ay pinipilit niyang matagal na kaming magkakilala eh hindi ko nga sya matandaan,†paliwanag ni Villanueva
Pinatotohanan naman ni Rocel Calderon, isa ring tabloid reporter na kasama ni Garcia, ang lahat nang isinalaysay ni Villanueva.
“Binanatan kasi ni Rubie sa radyo at sa dyario si Col. Villanueva matapos ang insidente sa Tanza kaya siya ngayon ang pinaghihinalaan sa pagpatay,†ani Calderon.
P50K pabuya sa makapagtuturo sa salarin
Nangako naman si Bacoor City Mayor Strike Revilla na magbibigay ng P50,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon, makapagturo at makahuli sa salarin.
Lahat ng anggulo ay tinitingnan na ngayon ng PNP para sa agarang ikalulutas ng kaso mapa-personal man umano ito o may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang reporter.
Si Garcia ay pinasok at pinagbabaril sa loob mismo ng kanyang bahay Linggo ng umaga at nasawi sa limang tama ng bala sa katawan habang inooperahan sa St. Dominic Hospital.
- Latest