Domeng pumasok na sa PAR, tuloy ang paglakas
MANILA, Philippines - Tuloy-tuloy sa paglakas ang bagyong Domeng ng pumasok kahapon sa area of responsibility ng bansa matapos bantayan bilang low pressure area (LPA).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), alas-4 ng hapon si Domeng ay nasa 1,020 km silangan ng General Santos city.
Taglay nito ang lakas ng hanging 65km kada oras malapit sa gitna at bugsong 80 kph.
Ang Domeng ang ikaÂapat na bagyo sa bansa ngayong taon.
Ang Mindanao at ang rehiyon ng Cagayan Valley, eastern at Central Visayas ay magiging maulap at makakaranas ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan at pagkulog.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap at magkakaroon ng pag-ulan lalo na sa hapon at gabi.
- Latest