Tabloid reporter itinumba!
MANILA, Philippines - Isang batikang lady reporter ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek sa loob ng bahay nito sa Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ni PO3 Romar Sinnung, Bacoor police officer-on-case ang biktimang si Rubylita “Rubie†Garcia, 52, provincial correspondent ng Remate, presidente ng Campo Press Club at residente ng #83 Tramo St. Barangay Talaba 7, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa report, nasa loob ng kanyang bahay si Garcia nang bigla na lang pasukin ng dalawang armadong suspek at pagbabarilin ito bandang alas-10:15 ng umaga
Isinugod pa si Garcia sa St. Dominic Hospital pero namatay din ito matapos ang ilang oras sa emergency room dahil sa tinamong limang tama ng bala mula sa 9mm pistol sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Isang kamag-anak umano ni Garcia ang nakakita sa dalawang suspek na papalabas ng bahay nito matapos ang sunod-sunod na putok, ayon sa pulis.
“May ginagawa na kaming carthographic sketch based on the description of Ms Garcia’s relative, nakita daw nya ang mukha kasi wala namang takip o suot na bonnet,†ani Sinnung.
Nakakuha ang Scene of the Crime Operatives ng apat na basyo ng nabanggit na baril mula sa crime scene.
Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang motibo ng pamamaslang.
“Pag-aaralan pa namin ang mga news reports nya sa kanilang dyaryo kung may mga nasagasaan ba syang tao o organisasyon†dagdag ni Sinnung.
Samantala, isang miÂyembro naman ng Campo Press Club ang nagsabi na may nakaaway umano si Garcia na isang opisyal ng pulis sa Cavite noong Miyerkules bago naganap ang pamamaril nitong Linggo.
Gayunman, hindi muna nito pinangalanan ang naturang opisyal dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan.
Mariin namang kinondena ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) at ng National Press Club (NPC) ang pagkakapatay kay Garcia at nanawagan sa PNP ng kagyat na pagresolba sa kaso. (May ulat ni Ricky Tulipat)
- Latest