Domeng lumakas
MANILA, Philippines - Lumakas ang bagÂyong Domeng na biÂnabantayan ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) na nasa karagatang Pasipiko na nagbabantang pumasok sa Pilipinas ngayong Linggo.
Alas-10 ng umaga kahapon, nasa layong 1,470 kilometro silangan ng Southern Mindanao o sa bisinidad ng Caroline Islands ang sentro ng naturang bagyo taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Ito ay kumikilos sa bilis na 20 kilometro pakanluran hilagang kanluran.
Sakaling hindi mabago ang bilis at direksiyon ng bagyo ay mapapaaga ang pagpasok nito sa karagatang sakop ng Pilipinas ngayong Linggo ng tanghali.
Bagamat malayo pa naman ang kinarorooÂnan ng bagyo, ibayong paghahanda ang dapat gawin ng mga taga Eastern Visayas at Mindanao na siyang tinutumbok ng hagupit ng bagyo.
Kahapon ay patuloy na maalinsangan ang lagay ng panahon sa maÂlaking bahagi ng bansa mula Luzon, Visayas at Mindanao.
- Latest