Ukay-ukay gagawing legal
MANILA, Philippines - Isinusulong ng ilang kongresista na gawin na lamang legal ang importasyon ng mga ukay-ukay o mga second hand na damit sa bansa.
Sa House bill 4055 nina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Abante Mindanao partylist), nais ng mga ito na ipawalang bisa ang Republic Act 4653 na nagbabawal sa commercial importation ng mga ukay-ukay.
Sa pagtaya ng Bureau of Customs (BOC) nasa isang libong container vans ng mga secondhand garments ang illegal na ipinapasok sa bansa kada taon.
Kung mapagtitibay ang panukala, maaari umanong kumita ang gobyerno ng P700 milyon mula sa taxes at duties kada taon.
Sa naturang halaga ay magiging malaking tulong na ito para sa mga Pinoy na walang trabaho dahil tiyak na lilikha ito ng job opportunities.
Matatandaan na ipinagbawal ang importasyon ng ukay-ukay dahil na rin sa isyung pangkalusugan at para mapanatili umano ang dignidad ng bansa.
- Latest