Pansamantalang mawawalan ng tubig ngayong Semana Santa
MANILA, Philippines - Upang masolusyunan ang madalas na pagbaha sa Maynila, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay gagawa ng interceptor drainage box culvert sa may Blumentritt St., Maynila. Tatama ang flood control project na ito sa linya ng tubig ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa may Juan Luna St. at Hermosa St. kaya kinakailangang ilihis (realign) ng Maynilad ang linya nito.
Dahil dito, magkakaroon ng three-day, two-day at one-day na water service interruption sa ilang bahagi ng Imus, Kawit, Makati, Malabon, Manila, Navotas, Pasay at South Caloocan; at sa kabuuan ng Bacoor, Cavite City, Las Piñas, Muntinlupa, Noveleta at Parañaque, mula Miyerkules Santo (Abril 16) hanggang Sabado de Gloria (Abril 19).
Mangangailangan ang Maynilad ng 72 oras para matanggalan ng tubig (dewater), mailihis at muling mapuno ng tubig ang tubo nito, dahil isa itong primary line na may pitong talampakan (7-foot-tall) na sukat.
- Latest