^

Bansa

CAB naaayon sa Saligang Batas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Pinabulaanan ni Government peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer ang naging pahayag ni Senador Miriam Defensor Santiago na hindi naaayon sa Saligang Batas ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Sinabi ni Ferrer kagabi na hindi nila isinantabi ang kahalagahan ng konstitusyon sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front.

"We assure the good Senator and the public that through every stage of the negotiations, we remained ever mindful of the President's instructions that any agreement we must conclude must be within the framework of the 1987 Constitution, and accordingly, the roadmap set by the CAB leads to Congress as the established lawmaking institution," pahayag ni Ferrer.

Sinabi pa niya na handa silang makipagpulong sa senador upang maipaliwanag ang iba't ibang probisyon ng kasunduan para magkaroon ng "deeper understanding of the context and substance of the documents."

Kinilala rin ni Ferrer ang reaksyon ng senador na dalubhasa sa Saligang Batas.

"The Honorable Senator is a brilliant professor and an expert in constitutional law. We certainly appreciate her insights and opinion on the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro," wika ni Ferrer.

Layunin ng kasunduan na magkaroon ng batas upang mabuo ang Bangsamoro region na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Matapos malagdaan ang kasunduan nitong nakaraang linggo ay nakasalalay na ang pagbuo ng batas sa Kongreso.

"[The bill] will be endorsed by the President as an administration bill to Congress for their due consideration and passage at the soonest possible time," banggit ni Ferrer.

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO

COMPREHENSIVE AGREEMENT

HONORABLE SENATOR

MIRIAM CORONEL-FERRER

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

SALIGANG BATAS

SENADOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with