Tropa ni Noy dapat makasuhan din sa pork scam - Binay
MANILA, Philippines – Matapos irekomenda ng Office of the Ombudsman na makasuhan ang ilang mambabatas na sangkot umano sa pork barrel scam, nais ni Bise-Presidente Jejomar Binay na habulin din ang mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III.
Inihayag ng Ombudsman kahapon na nakakita ang anti-graft panel ng probable cause upang makasuhan sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon "Bong" Revilla Jr.
"If it stops with the filing of the plunder cases against three senators who are not political allies and confines itself to the (Janet) Napoles case, it will create the impression of being selective, and that political partisanship – not justice – is the sole motivation behind these charges," wika ni Binay.
Kaugnay na balita: Ombudsman kakasuhan ng pandarambong sina Enrile, Revilla, Estrada at Napoles
Nais ni Binay na makasuhan ang lahat ng mga mambabatas na umano’y “kumita†base sa Commission on Audit (COA) report na inilabas nitong nakaraang taon.
"The public would want no less than full accountability from its public officials. The rule of law must prevail regardless of stature or political affiliations."
Inanunsyo kahapon ng Ombudsman na kakasuhan nila ng plunder ang ilang mambabatas at iba’t ibang personalidad.
Magkakapartido sina Binay, Enrile at Estrada sa United Nationalist Alliance (UNA), habang miyembro ng Lakas-Christian and Muslims Democrats si Revilla.
- Latest