^

Bansa

‘Sanay na akong makulong’ – Jinggoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maghahain ng motion for reconsideration si Senador Jinggoy Estrada para sa desisyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan siya at ang iba pang mambabatas ng plunder dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa pork barrel scam.

Sinabi ni Estrada na ihahain pa rin niya ang mosyon kahit na inaasahan na niyang ibabasura ito ng Ombudsman.

"Sanay na akong makulong," wika ni Estrada sa isang panayam sa telebisyon ngayong Miyerkules.

Nakulong na ang senador kasama ang si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada dahil sa kasong plunder.

Kaugnay na balita: ‘Kami po ay pinagplanuhan, pinagkaisahan’ - Jinggoy

Sinabi rin ng nagbabakasyong senador na babalik siya sa bansa pagkatapos ng Semana Santa upang harapin ang mga kasong inihain laban sa kanya.

Inanunsyo kahapon ng Ombudsman na kakasuhan nila ng plunder si Estrada at mga kasamahang sina Senador Juan Ponce Enrile and Ramon Revilla Jr. at ang itinuturong pork scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Hindi nagustuhan ni Estrada ang naging desisyon ng Ombudsman na nasabayan pa ng kaparehong rekomendasyon mula sa Senate Blue Ribbon Committee.

"I am saddened albeit not surprised that the Committee has issued adverse recommendations against me and two of my colleagues who were dragged to the controversy," banggit ni Estrada kahapon.

"Clearly, kami po ay pinagplanuhan, pinagkaisahan at naging bikitima ng sabwatan para lang magpapogi ng imahe ang ilan naming kasamahan sa Senado. It is a very, very well-synchronized April Fools' Day operation," dagdag niya.

APRIL FOOLS

ESTRADA

JANET LIM-NAPOLES

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SEMANA SANTA

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SENADOR JUAN PONCE ENRILE AND RAMON REVILLA JR.

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with