Top 1,2,3,6 sa PNPA anak ng mga pulis Like father like son
MANILA, Philippines - Nanguna sa top 4 ng mga nagsipagtapos sa kabuuang 202 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) ay mga anak ng mga miyembro ng pambansang pulisya na sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang.
Sa ginanap na graduation ceremony kahapon ng PNPA sa Camp Mariano Castaneda sa Silang , Cavite , itinanghal na topnotcher sa Mandirigmang May Dangal at Isipan Laan Para sa Bayan ( MANDILAAB ) Class 2014 si Police Cadet Glenn Tabo Santilices, anak ni PO3 Heide Santelices.
Si Santelices , 25 anyos ay tubong San Andres, CaÂtanduanes ay tumanggap ng Kampilan Award mula kay Pangulong Benigno Aquino III at PNP Chief P/Director General Alan Purisima.
Pumangalawa naman si Police Cadet Bryan John Dayag Baccay, 21 anyos ng Tuguegarao City, Cagayan. Si Baccay ay anak ng retiradong pulis na si Nelson Baccay na tumanggap naman ng Vice President Kampilan Award mula kay Vice President Jejomar Binay.
Nasa pangatlong puwesto naman si Police Cadet Allan Benedict Ramos Rosete, 22 anyos, anak ng pulis na si Benny Rosete na tubong Penablanca, Cagayan. Personal naman itong tumanggap ng Secretary of Interior and Local Government Award mula kay Secretary Manuel Roxas II.
Ang pang-anim naman ay si Police Cadet Andy Ray Asturias Geronilla na ang ama ay ang retiradong pulis na si Edilberto Geronilla na tubong Davao. Tinanggap ni Geronilla ang Plaque of Merit.
Ang iba pang mga top cadets at awardees ay sina Police Cadets Ermelo Garcia Dichoso Jr., Jade Rivera Gamboa, Andy Ray Asturias Geronilla, Michael John Luciano Verzosa, Jayson Rey Sadueste Florin, Robin Llanes Martin at Ian Marc Serrano Polestico; Jail Cadet Edwin Garpida Bulatao; Fire Cadet Arvin Jude Asuncion Rapanot at Police Cadet San Roget King Llanto Ho.
- Latest