^

Bansa

Health records ng QC students ipinagkatiwala sa mga iskul

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos pirmahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang isang ordinansa, ipagkakatiwala na sa mga tanggapan ng lahat ng elementary at high schools sa Quezon City ang mga medical at dental records ng kanilang mga mag-aaral.

Alinsunod sa isang city ordinance na isinulong ni Councilor Candy A. Medina na nilagdaan ng alkalde noong Marso 20, magsisilbing database collection centers ng health records ng mahigit 400,000 students sa Lungsod Quezon.

Kaugnay ng pag-apruba sa ordinansa, inilaan ang halagang P1 million mula sa lokal na pondo para sa 99 elementary at 48 high schools.

Siniguro ng mga opisyal na ang mga dokumento na nasa pangangalaga ng mga tanggapan ng mga eskuwelahan ay pananatilihing “confidential.”

Ang sinumang record custodian, faculty member o kawani ng paaralan na magbubukas ng rekord ng sinumang mag-aaral nang walang kaukulang pahintulot sa magulang ng bata ay mananagot. 

Ang school doctor at dentist or medical personnel mula sa city schools division, city health department o pribadong ospital o clinic, ay inaatasang magsasagawa ng medical at dental tests sa loob ng anim na buwan mula sa enrollment.

Ang kaukulang resulta ng medical at dental tests ay isusumite sa school principal at ang mga records ay dapat na i-update makaraan ang dalawang taon.

ALINSUNOD

COUNCILOR CANDY A

KAUGNAY

LUNGSOD QUEZON

MARSO

MATAPOS

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SINIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with