Bangsamoro peace pact aprub na!
MANILA, Philippines - Nilagdaan na kahapon ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na inaasahang magdadala ng kapayapaan sa Mindanao.
Ang Malaysia ang nagsilbing broker at facilitator sa usapang pangÂkapayapaan.
Siniguro naman ni Pangulong Aquino na hindi hahayaan ng gobÂyerno na manakaw ang narating na kapayapaan matapos ang makasaysayang paglagda sa Malacañang na dinaluhan ng may 1,000 katao kabilang ang mga foreign dignitaries sa pamumuno ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.
“I will not let peace be snatched from my people, not now,†wika ng Pangulo sa kanyang mensahe kahapon.
Ang CAB ang papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na pinamumunuan ni Gov. Mujiv Hataman subalit sa 2015 ay ang MILF na ang mamumuno dito sa transition period at sasali na sila sa 2016 elections upang maglagay ng kanilang mga kandidato.
Kailangan namang aprubahan ng Kongreso ang Basic Law na siyang lilikha sa Bangsamoro Autonomous Region na siniguro naman ni Senate President Franklin Drilon na kanilang ipapasa agad sa Senado.
Naniniwala naman si MILF leader Mohager Iqbal na ito na ang tunay na daan upang maÂkamit ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao kaya ganun na lamang ang pagpapasalamat nila sa gobyernong Aquino at sa lahat ng nagsumikap upang makamit ito.
Kabilang din sa sumaksi sa peace pact signing ang prinsipe ng Saudi Arabia, mga dignitaries mula sa ibat ibang bansa, kongresista, senador at mga opisyal ng ARMM.
Naniniwala naman si Senator Sonny Angara na ang CAB ang maÂituturing na “greatest achievement†na iiwanan ni PNoy pagbaba niya sa puwesto.
Sinabi pa ni Angara na marapat lamang na purihin ang aministrasÂyong Aquino dahil sa pagsisikap nitong mawakasan na ang kaguluhan sa Mindanao at muling maibalik ang tiwala ng MILF sa gobyerno.
Nauna rito, nagkaÂsundo ang mga lider ng Senado at House of ReÂpresentatives na isama sa kanilang prayoridad na tatalakayin ang Bangsamoro Basic Law at dapat itong maipasa bago matapos ang 2014.
Hiniling naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat kay Pangulong Aquino na sertipikahan bilang urgent ang BangÂsamoro basic law sa oras na isumite na ito sa Kongreso.
Dapat umanong maÂihain sa Kamara at Senado ang panukalang Bangsamoro law sa Mayo. (May ulat nina Malou Escudero, Gemma Garcia at Ellen Fernando)
- Latest