^

Bansa

World officials nagayuma ng Albay

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI VITY, Philippines - – Humanga ng husto sa kagandahan ng mga tourist destinations ng Albay ang mga world officials ng Junior Chamber International (JCI) nang dumalaw sila rito kamakailan.

Pinangunahan nina JCI world president Shine Bhaskaran at Philippine JCI president Christine Ponce-Garcia ang ‘multi-pronged summer adventure” dito ng Jaycees na may kaugnayan sa kalikasan, turismo, kalusugan at academics o kaalaman.

Bagama’t abala ang lalawigan sa paghahanda para sa nalalapit na Daragang Magayon Festival 2014, inalayan sila ng isang luncheon confe­rence ni Albay Gov. Joey Salceda sa Oriental Hotel dito.

Sa kanyang pahayag, inamin ni Bhaskaran na hanga siya sa likas na ganda ng mga tourism assets ng Albay, sa makabuluhang holistic deve­lopment program nito na naka-ankla sa turismo, at sa mahusay na sistema ng pamamahala sa pamahalaang local.

Sinabi rin ni Bhaskaran na mula sa Kerala, India at malimit umikot sa iba’t ibang bansa sa mundo na tila si Salceda ang “smartest public official” na nakatagpo niya.

Pinili ng JCI ang Albay na pagdausan ng multi-pronged summer adventure nito dahil ang lalawigan ay itinuturing na “booming tourism hub” ng bansa. Daan-daang mga Jaycees at mga opisyal nila mula sa ibang rehiyon ng bansa ang dumalo at muling ninamnam ang masasarap na lutong Bikol, magandang mga tanawin, at bukas na pagtanggap ng mga Albayano.

ALBAY

ALBAY GOV

BHASKARAN

CHRISTINE PONCE-GARCIA

DARAGANG MAGAYON FESTIVAL

JOEY SALCEDA

JUNIOR CHAMBER INTERNATIONAL

ORIENTAL HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with