^

Bansa

Oral argument sa petisyon ni Revilla itinakda ng SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtakda ang Supreme Court Third Division ng oral argument kaugnay sa petisyon na inihain ni Sen. Bong Revilla laban sa ginagawang imbestigasyon sa kanya ng Ombudsman kaugnay sa pork barrel fund scam.

Ang oral argument ay gagawin sa Abril 1, 2014, alas 2:30 hapon sa SC session hall sa Baguio City.

Sa notice of resolution na pirmado ni Division Clerk of Court Lucita Abjelina Soriano, tatlong isyu ang inilatag ng hukuman na tatalakayin sa oral argument.

Kabilang sa argumento ay kung nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman nang ibasura nito ang motion to suspend the preliminary investigation na inihain ni Revilla sa kabila ng pagkakaroon ng prejudicial question.

Ikalawang isyu ay kung nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Tanggapan ng Ombudsman nang ibasura nito ang reklamong plunder na inihain ni Revilla laban kay Technology Resource Center Director Ge­neral Dennis Cunanan at mga whistleblower sa PDAF scam sa kabila ng umano’y malinaw na ebidensya laban sa kanila, at kung ito rin ba ay maituturing na paglabag sa right to equal protection ni Revilla.

Ikatlo ay kung nararapat ba na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order na pipigil sa preliminary investigation ng Ombudsman laban sa kanya.

ABRIL

BAGUIO CITY

BONG REVILLA

DENNIS CUNANAN

DIVISION CLERK OF COURT LUCITA ABJELINA SORIANO

KORTE SUPREMA

REVILLA

SUPREME COURT THIRD DIVISION

TECHNOLOGY RESOURCE CENTER DIRECTOR GE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with