Freeze order sa ari-arian ipinatatanggal ni Luy
MANILA, Philippines — Hiniling ni pork barrel scam whistleblower Benhur Luy sa Manila Regional Trial Court (RTC) na tanggalin ang temporary freeze order sa kanyang mga ari-arian.
Nais ni Luy na hayaan siya ng korte na magalaw ang kanyang mga ari-arian, kabilang ang apat na bank accounts na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P679,000, SUV, isang Toyota sedan at motorsiklo.
Iginiit ni Luy na hindi maaaring mapatawan ng freeze order ang kanyag mga ari-arian dahil kabilang ito sa benepisyo ng mga testigo.
Kaugnay na balita: Freeze order sa bank account ni Luy 'di dapat alisin – SolGen
Inipit ng Manila RTC Branch 22 ang mga ari-arian nina Luy at dati niyang boss na si Janet Lim-Napoles noong Agosto 2013 matapos pumutok ang umano’y maanomalyang paggamit sa Priority Development Assistance Fund.
Nag-ugat ang freeze order ng Manila RTC sa forfeiture case na inihai nng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Kabilang sa mga ari-arian ni Luy ang kanyang account sa Bank of the Philippine Islands na may $15,008.90, Metrobank account na may P2,867.79 at dalawa pang account sa ilalim ng MetroBank at United Coconut Planters Bank.
Kinuha rin ng mga awtoridad ang 2007 Eastworld Mox Motorcycle, 2010 Mitsubishi Montero Sport G at 2004 Toyota Corolla Altis ni Luy.
- Latest