Mga Pinoy pa-UAE binalaan sa droga
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng abiso at babala ang Konsulado ng Pilipinas sa mga Pinoy na pumapasok at nasa United Arab EmiÂrates (UAE) na huwag magdadala ng illegal na droga upang makaiwas sa mabigat na parusa.
Ang advisory ay kasunod ng pagkakadakip sa ilang Pinoy sa Dubai at iba pang lugar sa UAE dahil sa drug possession.
Sa lumabas na ulat ng Gulf News, pinaalalahanan ni Consul General Frank Cimafranca, na kahit maliit na timbang o halaga ng droga ay may katapat pa ring mabigat na parusa.
Iginiit ni Cimafranca na hindi makakaligtas ang sinuman sa maliit na timbang na kanilang hawak dahil ang mas tinitingnan dito ay nasa posesyon nila ang nasabing droga.
Nitong unang linggo ng buwan, isang Pinay nurse ang dinakip matapos itago umano nito ang may 0.46 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa kanyang panty o underwear. Ang kanyang kaibigang Pinoy ay kinasuhan din dahil sa pagdadala ng 0.46 gramo ng shabu.
Bukod dito, isa pang Pinay waitress at estudÂyante ang hinatulan kamakailan ng limang taong pagkabilanggo dahil sa pagbibigay ng methamphetamie at amphetamine sa isang birthday party sa UAE noong Oktubre 2013.
- Latest