Caloy nasa bansa hanggang Martes
MANILA, Philippines - Mananatili pa sa ating bansa ang bagyong si Caloy matapos na mag-landfall na ito kahapon sa bahagi ng Tandag City, Surigao del Sur.
Alas-11:00 ng umaga kahapon, huling namataan ng PAGASA ang sentro ng naturang bagyo sa 70 kilometro ng timog silangan ng Surigao City taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at ito ay patuloy na kumikilos sa bilis na 11 kilometro kada oras.
Nananatili namang nasa ilalim ng signal number 1 ang mga lugar ng Southern Leyte, Bohol, Siquijor, Cebu, Negros Provinces, Guimaras, Surigao del Sur, Surigao del Norte kasama ang Siargao, Dinagat, Northern Agusan del Sur, Agusan del Norte, Northern Bukidnon, MisaÂmis Oriental, Misamis Occidental, at Camiguin.
Ngayong Linggo ng umaga, si Caloy ay inaasahang nasa layong 60 kilometro ng silangan ng Dumaguete City at nasa layong 170 kilometro ng silangan ng Puerto Princesa sa Lunes ng umaga at inaasahang nasa layong 170 kilometro ng hilagang-silangan ng Puerto PrinÂcesa City sa Martes ng umaga.
Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat at ugaliing magmasid sa paligid para makaiwas sa paÂnganib na dala ng bagyo tulad ng inaasahang flashfloods at landslides dahil sa patuloy na pag- uulan doon.
Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila partikular sa Luzon area.
- Latest