Miriam sa mga kabataan: Magalit sa corrupt na pulitiko
MANILA, Philippines - Mismong si Senator Miriam Defensor-Santiago ang nanghikayat kahapon sa mga kabataan na magalit sa mga pulitikong corrupt at idaan nila ang kanilang galit sa iba’t ibang uri ng social media.
Sa kanyang talumÂpati sa graduation cereÂmony ng Rogationist College, high school department sa Silang, Cavite, sinabi ni Santiago na dapat magalit ang mga kabataan sa mga nagnanakaw ng ibinabayad nilang buwis.
“Magalit kayo sa mga pulitikong nagnanakaw ng buwis na binabayaran ninyo at ng inyong mga magulang. Kapag umabot na kayo sa voting age na 18 anyos, huwag ninyo silang iboto. Sa halip, ikahiya sila ngayon,†sabi ng senadora.
Ipinaliwanag pa ni Santiago na kahit ang mga estudyante ay nagbabayad din ng buwis dahil sa tuwing bibili sila ng anumang uri ng produkto ay may parte ang para sa tax.
Dapat aniyang gamitin ng mga kabataan ang iba’t-ibang uri ng social media katulad ng Facebook, Twitter, o Tumbler para hiyain ang mga pulitikong nagnanakaw sa gobyerno.
Idinagdag ni Santiago na importante sa mga kabataan ang makialam sa mga national issues katulad ng sa anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) dahil kabilang sila sa mga nagbabayad ng buwis.
- Latest