^

Bansa

Krimen sa Puerto Princesa hindi lumala - PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mismong si Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima ang dumepensa sa ibinabatong akusasyon kay Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron at inihayag na hindi lumala ang kriminalidad sa lungsod tulad ng akusasyon ng mga naghain ng recall election petition laban sa alkalde.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni Gen. Purisima na ang pagbabago ng sistema sa PNP kung saan lahat ng krimen ma­ging ang nagaganap sa barangay ay dapat na iulat ng kapulisan, taliwas sa dating nangyayari na dinodoktor ng ilang opisyal ang ulat upang palabasin na maliit lamang ang nagaganap na krimen sa kanilang nasasakupang lugar.

Nauna rito’y nagbigay na rin ng ulat si City Tou­rism Officer Ailene Cynthia Amurao kaugnay sa pag-angat ng turismo nitong Enero ng taong 2014 na umabot sa 66,438 kumpara noong Enero ng taong 2013 na umabot lamang sa 61,092 na panahon pa ni dating Mayor Edward Hagedorn.

Sa kanya namang pahayag sa isang radio interview, sinabi ni Mayor Bayron na kung pagbabasehan ang mga nalathala sa ilang peryodiko, ang pangunahing maaapektuhan dito ay ang mamamayan ng lungsod.

CITY TOU

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ENERO

MAYOR BAYRON

MAYOR EDWARD HAGEDORN

MISMONG

OFFICER AILENE CYNTHIA AMURAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUERTO PRINCESA MAYOR LUCILO BAYRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with