‘Ma’am Arlene’, pina-subpoena ng SC
MANILA, Philippines - Nagpalabas na ng subpoena ang Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng binuong adhoc committee laban kay Arlene Angeles-Lim o tinaguriang “Ma’am Arlene†para magsilbing resource person sa imbestigasyon sa pagiging broker ng mga kaso sa hudikatura.
Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, chairman ng investigating committee mananatiling confidential, ang lahat ng isinasagawa nilang deliberasyon.
Layunin aniya nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga ipinatatawag na mga resource person upang makadepensa ng kanilang sarili.
Napag-alaman na kabilang sa binuong komite para sa ginagawang imbestigasyon sina dating Justice Alicia Austria Martinez at Justice Romeo Callejo Jr.
Inaasahan ding makapagsumite ng preliminary report ang komite sa SC en banc pagkatapos ng 14 na mga pagdinig.
Nabatid na nasa 32 na mga resource person na ang ipinatawag sa imbestigasyon maliban pa sa mga pahayag ng mga empleyado at hawak na larawan ng mga ito.
Lumutang ang pangalan ni Arlene matapos ang kontrobersiyal na halalan noong Oktubre 2013 sa PhiÂlippine Judges Association (PJA).
- Latest