Bagong deputy Ombudsman, itinalaga
MANILA, Philippines - May bago ng deputy Ombudsman for Mindanao sa katauhan ni Assistant Ombudsman Rodolfo Elman.
Si Elman ay 25 taong nagsilbi sa tanggapan ng Ombudsman. Una siyang nagtrabaho bilang isang imbestigador hanggang sa maging Assistant Ombudsman at ngayon ay Deputy Ombudsman for Mindanao.
Si Elman ay nagtapos ng Economics degree sa Ateneo De Manila University at Law degree sa Ateneo De Davao University at nakapasa sa bar noong 1984. Nakuha niya ang Master’s Degree in Development Administration mula sa Australian National University noong 2000 bago nasungkit ang ranggong Career Executive Service Officer (CESO) Rank III noong 1999.
Nagtuturo din siya ng Public International Law, Administrative Law, Public Corporation Law, at Law of Public Officers sa Ateneo De Davao Law School.
Pinalitan ni Elman sa puwesto si Deputy Ombudsman Humphrey Monteroso na nagretiro noong December 2013.
- Latest