^

Bansa

Pati VP at mga mambabatas: Tatakbong Pres. dapat college graduate - Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na dapat taasan ang kuwalipikasyon ng mga nagnanais kumandidato bilang pangulo ng bansa, bise presidente at mga mambabatas.

Pinuna ni Santiago na sa ngayon ay mas mataas pa ang kuwalipikasyon ng mga nagnanais ma­ging miyembro ng Philippine National Police (PNP) kaysa sa kuwalipikasyon ng mga gustong tumakbong presidente ng bansa.

Sinabi ni Santiago na kung aamiyendahan ang Konstitusyon, dapat isama sa mga babaguhin ang kuwalipikasyon para sa mga nagnanais maging pangulo ng bansa, bise presidente, senador  at congressmen.

Sa ngayon aniya ay wala man lamang educational qualifications kaya pati mga “idiots” ay maaring kumandidatong pangulo.

“I want to go on to the qualifications for persons who are running for president  of the Philippines. Right now, there is even no educational qualifications,” sabi ni Santiago.

Habang sa mga nagnanais umanong maging pulis, dapat ay nakatapos ng kolehiyo ng ano mang kurso.

“Right now in our sta­tute books, people who apply to become policemen must be at least college graduates. There is no such provision for a presidential candidate so any idiot can run for president and possible poll a certain number of votes among his fellow idiots so we should make it of record that the Cons­titution should require the candidate to be at least candidate for national office, “ sabi ni Santiago.

“Dapat isama na rin sa babaguhin ang kuwalipikasyon ng mga nagnanais maging vice president at mga representatives ay dapat nagtapos na rin  ng kolehiyo” pahayag pa ni Santiago.

DAPAT

HABANG

IGINIIT

KONSTITUSYON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINUNA

SANTIAGO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with