Cudia bigo sa TRO
MANILA, Philippines - Nabigo si First Class Cadet Aldrin Jeff Cudia sa hinihinging saklolo mula sa Korte Suprema upang makasali sa graduating class ng Philippine Military Academy (PMA).
Ito’y matapos na hindi tumugon ang Supreme Court Third Division sa hiling ni Cudia na magpalabas ng temporary restraining order o TRO upang mapabilang siya sa mga magtatapos ngayong 2014.
Sa halip, binigyang-pagkakataon pa ng SC ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PMA na maghain ng kanilang paliwanag kung bakit tinanggal sa listahan ng mga magtatapos sa Academy si Cudia.
Binigyan ng 10 araw ng SC ang mga responÂdent na irerepresenta ng Office of the Solicitor GeÂneral upang isumite ang paliwanag kontra sa kahilingan ng kontrobersiyal na kadete.
Una nang hiniling ni Cudia sa SC na magpalabas ng TRO o kaya ay status quo ante order laban sa PMA at payagan siyang makasali sa graduation, o kaya ay mailagay ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nagsiÂpagtapos.
Nais din ni Cudia na atasan ng SC ang PMA na ipagkaloob sa kanya ang karangalan at pagkilala na nararapat sa kanya. Hiniling din ni Cudia sa SC na i-assign siya bilang bagong ensign sa Philippine Navy sa sandaling makumpleto ang lahat ng rekisitos para sa kanyang baccalaureate degree na dapat March 16, 2014.
- Latest