^

Bansa

Insubordination resbak kay Capa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine  National Police (PNP) ang posibleng pagsasampa ng kasong insubordination laban sa nasibak na Task Force Tugis Commander na humuli sa isa sa top 5 most wanted fugitive na si Globe Asiatique President Delfin Lee.

Ayon kay PNP Deputy Director General Felipe Rojas, ito ay matapos hindi idaan ni Sr. Supt. Conrad Capa sa grievance­ committee ng PNP ang hinaing nito kaugnay sa biglaang paglilipat dito sa Police Regional Office (PRO) 7 kasunod ng pagkakaresto sa housing magnate na si Lee.

Una rito, sinabi ni PNP Chief P/Director General Alan Purisima na promos­yon ang paglilipat kay Capa bagay na pinalagan ng opisyal na nakapagbitaw ng maanghang na salita sa kaniyang superior.

Dahil panahon ng kuwaresma sinabi naman ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP-Public Information Office na time out muna ang PNP sa parusang ipapataw kay Capa pero tiniyak na may naghihintay na disciplinary action laban dito matapos ang paggunita sa Mahal na Araw.

Ayon kay Rojas dapat sana ay idinulog na lamang ni Capa sa komite ang kanyang reklamo sa desisyon ni Purisima para umano napag-usapan ng husto.

Gayunman, naiintindihan umano niya ang sitwasyon ngayon ni Capa at nirerespeto din umano nila ang ginawa nitong pag-iingay sa media.

Binigyang diin din ni Rojas na walang kinalaman ang pag-aresto ng grupo ng Task Force Tugis kay Lee sa pagsibak kay Capa bagay na hindi pinaniwalaan ng nasa­bing opisyal na sinabing gumana ang impluwensya ng housing magnate kaya siya natanggal sa posisyon.

 

AYON

CHIEF P

CHIEF SUPT

CONRAD CAPA

DEPUTY DIRECTOR GENERAL FELIPE ROJAS

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

GLOBE ASIATIQUE PRESIDENT DELFIN LEE

NATIONAL POLICE

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with