^

Bansa

2 ex-Nabcor officials ipapatawag sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gustong ipatawag ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang dalawang dating opisyal ng National Agri-Business Corporation (NABCOR) na sina Rhodora Mendoza at Victor Roman Cacal kaugnay sa pork barrel fund scam.

Ayon kay Santiago, dapat marinig sa komite ang isiniwalat ng dalawang dating opisyal kung saan apat na senador at 79 kongresista ang sinasabing sangkot at naglagay ng nasa P1.7 bilyon ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Nabcor.

Ang mga dokumento ng diumano’y scam kung saan sangkot ang Nabcor ay isinumite na ng dalawa sa Ombudsman.

Ang Nabcor ay nasa ilalim ng Department of Agriculture na sinasabing pinaglagyan din ng pondo para sa mga proyekto ng mga pekeng non-go­vernment organizations ni Janet Lim-Napoles.

Si Mendoza ang da­ting vice president for finance ng Nabcor samantalang si Cacal ang dating head ng general services. Kabilang rin ang dalawa sa kinasuhan sa Ombudsman sa pork barrel scam.

Nag-aplay na ang da­lawang opisyal na maging state witnesses kasama ang on leave director general ng Technology Resource Center na si Dennis Cunanan.

ANG NABCOR

DENNIS CUNANAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

JANET LIM-NAPOLES

NABCOR

NATIONAL AGRI-BUSINESS CORPORATION

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RHODORA MENDOZA

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with